11/29/2013

May Bukas Pa

Photo by a friend of a friend (Justine G. and Sam L. respectively.)
TYPHOON YOLANDA
Unang-una, hindi masyadong maayos ako sa wikang Pilipino kaya't kailangan mo lang mag-isipan ng mensahe ng sanaysay nito. Sana 'wag mo nang pansinin ng mga mali ko.

Alalang-alala tayo (at sana ng buong mundo) ang nangyari sa Tacloban. Akala ko lang "bali wala naman ng bagyo nito; palagi naman may ulan." Pero hindi. Sa sobrang lakas ng bagyo nito, maraming tao namalungkot, maraming tao nagutom, maraming tao namatay. Naapektuhan ako sa trahedya nito dahil napakasuwerte naman ako, walang nangyari sa akin. 

Malungkot rin ako, kasi estudyante pa lang ako; kaunti-unti lang ang pwede kong gawin para sa mga biktima. Gusto ko nga sasamahan ko ng tatay ko kasi papunta siya sa Tacloban para matulungan ng mga biktima. Malungkot ako dahil nabagsak lang ako sa eksam ng araling panlipunan. Sila kaya ay masmalungkot kasi bumagsak ang lipunan nila. Sana ayusin na ang sitwasyon nito dahil hindi nila marapat na nangyari doon.

Kailangan andyan pa ng pananampalataya para kay Panginoon. Huwag natin ikalimutan ng mga mabuting kapalaran natin. Suwerte naman na hindi na tamaan sa Metro Manila. Pero kahit na, sana nasaisip mo palagi si Diyos bawa't araw-araw. Mayroon siyang plano para saatin at para sa mga biktima. May pag-asa pa.

Salamat sa iyo para sa pagbabasa nito.

No comments: